Walang Pera

Posted by Marie in Mga Suliranin
12 20th, 2009

So, eto naman ako, blog nang blog, wala namang pera! Ultimo, pambili ng bigas problema pa namin. Nakakahiya naman, bat kelangan ko pa ibulgar ito? Hmmm. Wala lng. Eh kasi kelangan ko ng mapagsasabihan. Pero ang totoo, nakabili na kami ng kalahating kaban kahapon. Yung mumurahing bigas lng, tag 35 per kilo. Okay na yun basta makakain. Ang mahalaga, yung baby namin na mahal na mahal ko ay may gatas na dalawang lata para sure na hindi sya magugutom until next sahod. Haaay buhay. Sino ba naman kasi ang nagsabi na madaling yumaman? Sumali kasi ako dun sa PTR. Basta click lng nang click kikita ka daw ng 2000 dollars! kaloka diba? Hindi ko pa alam kung totoo yun. Baka nga modus lng. Pero syempre dahil desperada ako magkapera, ayun, pinagta-tyagaan  ko. Ewan ko. Basta magkapera lng ako, magiging masaya na ako. Pangarap ko yun eh. Yung hindi na kami mamomorblema sa pagkain. Hindi naman siguro masama yun hilingin kay Lord. Meron nga ako nakitang stroller at walker sa SM Mall of Asia. Ang ganda kaso ang mahal. Gusto ko bilihin yun para sa pamangkin ko. Gusto ko din bumili ng bahay. Yung maliit lang. Ayoko ng malaki. Bukod sa hindi kami sanay tumira sa mansyon eh, baka may mumu pa. Nakakatakot.

So eto, habang pangarap pa lng at malayo pa sa realidad eh blog blog muna tas click click hehehehe.

Kelan kaya matutupad yung mga pangarap ko para sa pamilya ko?

Hindi bale, mabait si Lord :) Maswerte pa nga kami eh. Kahit papano, nakakasurvive. Kaya THANK YOU LORD!



Palagi na lng namin itong pinagtatalunan simula pa noong mga bata pa kami. Ang tatamad kasi naming maghugas ng pinggan! Nagagalit nga madalas ang Mommy dahil jan. Puro turuan pero sa huli, si Kally din ang mapipilitan gumawa ng trabaho. Patigasan  kami ng kapatid kong lalaki kung sino ang unang kikilos. Bunso laban sa panganay. Kaya ayun, yung nasa gitna na lng ang napipilitan. Kasi syempre panganay ako kaya ayokong magpatalo sa mga mas nakababata kong mga kapatid nuh! At siya naman, porke bunso at spoiled ay ayaw din magpatalo. Haha! Ang pangit ba ng samahan namin? Hindi naman, masaya naman kami lalo na pag nahugasan na lahat ng pinagkainan, back to normal, tuksuhan, kantyawan, kulitan, tas away ulit!

Ganun lng talaga kami :)



Asar sa PAGIBIG

Posted by Marie in Mga Suliranin
10 17th, 2009

Ang buong akala ko pa naman, pupunta na lng ako sa Vito Cruz branch ng PAGIBIG para kunin ang tseke :( Hindi ko talaga akalain na kelangan ko ulit kumuha ng number at pipila ulit ako ng katakot-takot! Buset! Nasa akin din kasi ang problema eh … mejo anga-anga din ako pag dating sa mga ganitong bagay. Wala talaga akong hilig mangutang. Sa loob ng apat na taon ko ng pagta-trabaho, sa maniwala ka man o hindi, hindi pa ako nakakaranas mag-loan sa SSS. Kaya nga ito, sinubukan ko mag-loan sa PAGIBIG. Hindi dahil sa mayaman ako kaya ayoko mangutang. Ayoko lang talaga pumila! HAHA!

So, eto na nga yung nangyari. Dumating kami ng nanay ko sa opisina ng PAGIBIG ng mga alas nueve ng umaga. Dahil nangako ako sa nanay ko na lilibre ko siya sa KFC, sinabi ko sa kanya na sumama na siya dahil mabilis lng naman yun. Sabi kasi ng empleyado dun, balik lng daw ako after three days para kunin yung tseke tapos papalitan lng sa bangko para maging cash.

kaloka! Pumila ulit ako pagdatin namin dun! Hiyang-hiya tuloy ako sa nanay ko :( Pinag-antay ko siya ng mahigit apat na oras! Grabeh talaga! Siguro nga tanga-tanga ako pero sobrang bagal din naman ng process nila sa PAGIBIG. Hindi naman sa sinisiraan ko sila ha, pero parang ganun na nga, ang kupad at ang bagal ng mga empleyado nila. ANG SUSUNGIT PA! Ano ba yan :( Sa palagay ko kasi, ganito ang nangyari: balik daw ako after 3 days para pick-up in lng yung voucher. Pero ang totoo, pagbalik ko, saka pa lang nila aasikasuhin yun! HAY! Gobyerno talaga!



09 5th, 2009

Alam mo ba? Ang galing ng kapatid ko! Sa bahay lng siya nanganak! Ang tapang nya di ba? Gulat nga mga kapitbahay namin nung marinig nila na may umiiyak na baby sa bahay, “nanganak na siya!?” sabi nila.  Hindi nga sila makapaniwala eh. Pero sabi ng kapatid ko, mas maganda daw manganak sa bahay lng kasi alaga siya ng midwife. Hindi tulad kung sa public hospitals, ang sungit ng mga doktor, at ayaw nya ng ano ba yun? Yung tinatawag na IE, sakit daw yun eh. Natatawa nga ako sa kwento ng kapatid ko kasi kung kwentuhan nya ako tungkol sa experience nya eh parang wala ako dun nung nagle-labor siya haha! Absent pa nga ako sa trabaho para masamahan siya. Pero grabeh, ang hirap pala talaga manganak. Nakita ko mismo sa dalawa kong mga mata. Totoo pala yun, nasa hukay talaga ang isang paa ng babae kapag nanganganak. Hindi ko nga malaman kung papanong dasal ang gagawin ko nun. Kasi naawa ako sa kapatid ko eh. Parang ang sakit sakit talaga! Pagkatapos nga nun sabi ko sa mommy ko, ayoko manganak!!! Pero sabi naman nila, sulit naman daw lahat ng hirap at sakit kapag nakita mo na baby mo. Siguro nga totoo yun kasi tuwang-tuwa ang kapatid ko tsaka yung asawa nya nung makita na nila yung baby nila. Parang maiiyak pa nga sila sa kasiyahan :) :) :)



Fujiko

Posted by Marie in Tahanan at Pagmamahalan
08 21st, 2009

Maliit, walang muwang sa mundo, at walang kalaban-laban. Kawawa naman sabi ng kapatid ko. Kaya inampon namin si Fujiko. Nakuha namin ang pangalan nya sa palabas na cartoons, yung Lupin. Galit na galit nga ang nanay namin ng dumating siya sa bahay. Ayaw kasi nya ng may aso kahit tuta pa yan at napaka-cute. Marumi daw kasi at maingay. Kaso iniyakan ng kapatid ko kaya ayun pumayag din :)

Askal lng si Fujiko, kulay beige, na medyo mabalahibo. Madalas siya mapagkamalan ng mga kapitbahay na imported. Ewan ko po kung bakit. Tingin ko naman muka talaga siyang askal. Pero siguro kasi dahil lagi siyang naliligo at maamo siya sa mga tao. Aliw na aliw nga sa kanya yung mga kapatid ko. Ako naman, hindi talaga ako masyado mahilig sa pets, hindi rin naman sa ayaw. Tamad lng talaga ako mag-alaga. Nagmana yata ako sa mommy ko eh. Tsaka nakagat kasi ako ng aso nung four years old ako kaya siguro trauma din.

Mabalik tayo kay Fujiko. Kakaiba siyang aso kala mo ba? Sikat nga siya sa buong barangay. Pano ba naman, tuwing umaga na lng, umuuwi siya sa bahay namin at palagi na lng may dalang basura na kinakainisan ng nanay ko at pinagkakatuwaan ng mga kapitbahay. Bakit sila natatawa? Eh kasi, kapag pinapagalitan ng kapatid ko si Fujiko, nakatingin siya at parang nakikinig! Akala mo daw naiintidihan niya na sinesermonan siya. Haha! Tapos parang humikhikbi. Parang umiiyak? Sabi ni Kally, ganun daw talaga ang mga hayop. Kapag tinuring mong kapamilya parang nade-develop yung common sense nila. 

Kaya siguro ganun si Fujiko. Mahilig sa basura! Haha! Kasi naisip nya “ok to ah”



Cool Mommy

Posted by Marie in Ang Mga Miyembro
07 31st, 2009

Mahirap siya ilarawan. Sa totoo lang. Hindi ko nga alam kung saan ako magsisimula. Kasi ba naman, ang nanay namin ay mommy ng buong barangay! Siguro kasi dahil siya ay may-bahay ng isang matapat na kagawad na palagi ring maasahan. Lumaki kaming magkakapatid na palagi na takbuhan si Mommy ng lahat ng mga nanay sa buong barangay. Lalo na kapag may manganganak (hindi naman siya komadrona) at tuwing may sakit ang mga anak nila (lalo namang hindi siya doktor). Kahit dis oras na ng gabi. Kasi magaling daw siya makisama sabi nila. Totoo naman eh :) Madalas nga abonado pa siya kapag may humihingi ng tulong hehe.

Kung sa pagiging nanay naman, wala akong masabi kundi ang swerte namin ng mga kapatid ko. Medyo hindi kasi siya strikta. Basta bawal lng magpagabi kasi nag-aalala siya ng sobra. Nung nag-aaral pa kami, palagi niya kaming asikaso. At tuwing birthday namin, nagluluto siya ng pagkasarap-sarap na pansit haha! Tapos bago matulog, kinukwentuhan niya kami ng naging buhay nya sa probinsya nung bata pa siya. Basta, ang cool niya maging mommy. Pero syempre, tulad ng ibang mga nanay, namamalo din siya! Oo tama nga. Napalo na niya ako. Kaso nalimutan ko na kung bakit eh hehehe :)

Isang bagay na lng siguro ang masasabi ko, isa siyang masayahing nanay. Madali siyang biruin at pasayahin :) Next time ko na lng isusulat, antok na ko eh :)



Walang Pahinga

Posted by Marie in komersyal muna
07 25th, 2009

Ang totoo nya, ang dami kong blogs. Nagtataka nga ang mga tao kung bakit kelangan ko ng maraming blogs. Investment ko kasi ito eh. Mahirap pero kelangan. Nag-iipon ako ng maraming links para magkaron ako ng page rank. Minsan nga, napagbintangan pa akong spammer! Kaloka! Pero Hindi ko siya masisi. Pano ba naman kasi, labing tatlo lahat ng blogs ko at plano ko pa magdagdag ng dalawa. Ambisyosa diba? Pero gusto ko talaga eh! At hindi ko naman kinopya sa kung saan lng yung mga posts ko noh! pinaghirapan ko isulat yun! Kaya nga wala akong pahinga. Araw-araw dapat makasulat ako ng posts. Para naman ma-update yung mga blogs ko. Yan din ang dahilan kung bakit isa pa lang ang laman ng blog na ito. Pero hindi ibig sabihin na wala itong kwenta sa akin ha. Espesyal ito. Syempre naman. Pero sa ngayon, hindi muna ako makakapagkwento tungkol sa pamilya ko. Tingin ko wala rin naman interesado eh hahaha!

Pero naka-plano na sa isip kung kung ano yung mga isusulat ko. Kung baga eh, meron na akong line-up. Una dapat makapa-sulat ako ng mga artikulo tungkol sa bawat miyembro ng pamilya ko. Mommy, mga nakababatang kapatid, mga masasamang kamag-anak, mga mabubuting kamag-anak, etc. Pangalawa, gagawa ako ng family tree para naman makita mo kung sino-sino yung mga ugat at bunga. Tapos nun, maglalagay din ako ng mga pictures.

Sana lng talaga, by december, kumikita na ako sa mga blogs ko! Kung hindi manghihinayang talaga ako sa lahat ng pagod ko! Meron nga sumulat sa akin, taga Norway, nagtatanong siya kung bakit hindi mahilig sa blogging ang mga Pilipino. Ang mga Indian kasi sobrang hilig at kumikita sila ng dollars dito! Kaya Naisip ko, ako ang isa sa mga magiging unang Pinoy na kikita sa blogging! Bwuahahaha!



07 13th, 2009

Lumaki ako sa patnubay ng isang ama na masasabi kong pinakamagaling na tatay sa buong mundo. Siguro sa isip ng kung sino mang makakaisip magbasa nito, kung meron man, ”eh lahat naman ng tao ganyan ang sinasabi noh.” Pero totoo! Naniniwala talaga ako na the best ang Daddy ko! Hindi lang dahil anak nya ako. Buong barangay kaya may respeto sa kanya. Hindi lang siya basta matapat na kagawad, palagi pa siyang maaasahan at madaling lapitan ng mga kapitbahay. At walang bayad ha! Pero hindi yun ang dahilan kung bakit ko sinasabi na the best siya.

Mabait kasi ang Daddy ko. Sobra. Marami nga akong magagandang alaala ng kabataan na kasama siya. Gaya na lang nung una akong pumasok sa school. Kinder ako nun. Iyak ako nang iyak nung unang araw ng pasukan. Pano ba naman kasi wala akong friends at napakamahiyain ko pa. Kaya ayun, si Daddy pa ang naghanap ng magiging kaibigan ko hehe. Buti na lang talaga hinatid nya ako! Tapos nung minsan naman, nagulat na lang ako kasi ako daw ang gaganap na prinsesa sa school program nung grade one ako. Yun pala, gusto ng tatay ko. Kahit magkano daw ang gastusin basta lang maranasan ko yung ganun. Gusto kasi nila ni Mommy ma-experience ko daw na maging bida. Hindi daw kasi nila naranasan yun nung mga bata pa sila. Kaya ayun. Kinausap ng tatay ko yung teacher pati na rin yung prinsipal. Medyo nakakahiya lang kasi hindi naman ako kagandahan para maging prinsesa :)

Hindi lng basta haligi ng tahanan ang tatay ko. Siya rin ang batas! Bawal magpagabi. Hanggang alasais lang na hapon ang limitasyon namin. Kapag lumagpas kami dun, siguradong palo ang parusa! Oo naman. Napalo na ako. Pero hindi naman brutal. Sapat lang para matuto ako sa katigasan ng ulo ko. Kaso lang minsan talaga masyadong strikto si Daddy. Bawal makipagnobyo habang nag-aaral pa. Matalino kasi ang tatay ko. Alam mo ba na dati siyang NBI agent? Oo! At hindi lng yun, nagtapos pa siya ng dalawang kurso. A.B. English and B.S. Political Science. At maraming beses na rin siya pumasa sa Civil Service exam. Kaya nga pangarap niya na makatapos din kami sa pag-aaral. Naalala ko pa nga nung magtatapos na ako ng high school. Sabi niya, kung desidido daw ako makatapos ng kolehiyo, huwag daw muna ako mag-isip ng boyfriend o kaya pag-aasawa. Susuportahan nya daw ako at pag graduate na ako, siya pa daw ang maghahanap ng lalaki na nababagay para sa ‘kin. Naiyak nga ako nun eh. Alam ko naman kasi para sa kabutihan ko lang ang iniisip niya. Kaya sinunod ko siya. Eto ako ngayon. Tapos na, may simpeng trabaho, at walang pinagsisisihan :)

Oy! Marami pa akong kwento hindi lang tungkol sa tatay ko, kundi pati sa buong pamilya ko :) Isa-isa ko silang ipapakilala sa buong mundo. Syempre, proud ako sa kanila eh!